Home NATIONWIDE 40 katao istranded sa nasirang cable car sa tuktok ng bundok sa...

40 katao istranded sa nasirang cable car sa tuktok ng bundok sa Turkey

TURKEY – Mahigit 40 katao ang nananatiling stranded sa cable car sa taas ng bundok sa southern Turkey.

Ito ay 19 oras matapos ang aksidente kung saan bumukas ang isa sa mga cable car. Kumitil ito sa buhay ng isa katao at pito ang sugatan.

Nangyari ang insidente nitong Biyernes, Abril 12, sa Tunektepe cable car sa labas ng Mediterranean city ng Antalya kasabay ng Eid al-Fitr holiday.

Nagpatuloy ang pagsagip sa mga naistranded sa magdamag.

“128 citizens in 16 pods have been rescued under difficult conditions,” ayon kay Okay Memis, director ng Turkish search and rescue agency AFAD.

“The rescue of 43 others in eight remaining pods is ongoing.” RNT/JGC