Home METRO 2 tulak tiklo sa P945K shabu sa Negros

2 tulak tiklo sa P945K shabu sa Negros

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang dalawang hinihinalang tulak sa buy-bust operations na isinagawa sa Negros Occidental nitong Abril 11 at Abril 12.

Narekober ng Bacolod City Drug Enforcement Unit (CDEU) ang shabu na nagkakahalaga ng P850,000 mula kay Allen Jay Tumayan sa Barangay Handumanan nitong Biyernes, Abril 12.

Ayon kay Police Capt. Joven Mogato, CDEU head, minomonitor na ang suspek na sangkot sa illegal na droga sa nakalipas na tatlong buwan.

Narekober sa suspek ang .45 caliber na pistola at mga bala, P1,000 marked money at P200.

Itinuturing na high-value individual si Tumayan.

Samantala, naaresto rin ng pulisya ang 36-anyos na lalaki sa Kabankalan City.

Nakumpiska mula rito ang 14 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P95,200, P500 marked money at improvised tooter, isang lighter, tatlong plastic canister at plastic tooter container. RNT/JGC