Home NATIONWIDE 40 Pinoy kabilang sa halos 800 kalaboso sa Nigerian crypto-romance scam

40 Pinoy kabilang sa halos 800 kalaboso sa Nigerian crypto-romance scam

LAGOS, Nigeria- Sinabi ng anti-graft agency ng Nigeria na naaresto nito 792 suspek sa pagsalakay sa isang gusali na pinaniniwalaang puga ng fraudsters na nang-aakit ng mga biktima sa pamamagitan ng alok na pag-ibig, saka pinipilit ang mga ito na magbigay ng pera para sa pekeng cryptocurrency investments.

Idinitine ang mga suspek, kabilang ang 148 Chinese at 40 Filipino nationals, noong Disyembre 10 sa pitong palapag na Big Leaf Building sa Lagos, commercial capital ng Nigeria, ayon kay Economic and Financial Crimes Commission spokesperson Wilson Uwujaren.

Matatagpuan sa luxury building ang isang call center na karaniwang target ang mga biktima mula sa Amerika at Europa, dagdag niya.

Ginagamit umano ang social media at messaging platforms, tulad ng WhatsApp at Instagram, upang hikayatin sila online o alukin sila ng umano’y investment opportunities, base kay Uwujaren.

Kapag nakumbinsi ang biktima, pinipilit silang magpadala ng pera para sa pekeng cryptocurrency schemes at iba pang gawa-gawang proyekto.

“Nigerian accomplices were recruited by the foreign kingpins to prospect for victims online through phishing, targeting mostly Americans, Canadians, Mexicans and several others from European countries,” wika ni Uwujaren.

“Once the Nigerians are able to win the confidence of would-be victims, the foreigners would take over the actual task of defrauding the victims,” dagdag ng opisyal. RNT/SA