Home NATIONWIDE 400 dayuhan swak sa PH blacklist

400 dayuhan swak sa PH blacklist

MANILA, Philippines – NASA mahigit 400 mga dayuhan ang nakatakdang isama sa listahan ng mga blacklisted na nadiskubreng pinitisyon ng mga pekeng kumpanya.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang nasabing hakbang ay kabilang sa kampanya ng ahensya na masugpo ang mga iligal na dayuhan sa bansa lalong-lalo na ang mga gumagamit ng pekeng dokumento upang makakuha ng visa.

Aniya, sa tatlong sunod-sunod na audit mula sa ulat ng verification and compliance division (VCD), lumalabas na may kabuuan na 459 na dayuhan ay gumagamit na mga pekeng kumpanya sa kanilang mga aplikasyon.

“These foreign nationals’ applications were processed using the services of accredited entities, authorized to apply on behalf of the foreign nationals,” ayon kay Tansingco.

“However, through our audits, we discovered that the companies that petitioned them are spurious,” dagdag pa nito.

Ibinunyag din ng BI Chief na halos 79 na accredited liaison officers ang nahaharap sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ginagawang raket.

Sinabi pa ng BI Chief na apat na mga abogado ang iniimbestigahan dahil sa nasabing modus.

Ayon pa kay Tansingco na ang visa ng nabanggit na mga dayuhan ay ikakansela at yung mga nasa bansa ay inuutusan na umalis na at isasama sa mga blacklisted.

“We are after aliens who falsify or misuse documents,” ani Tansingco. “Our drive against illegal aliens remains relentless, and we will continue to run after those who coddle such violators,” dagdag pa niya. Jay Reyes

Previous articleNavotas humakot ng samu’t saring parangal
Next articleTanod na tulak ng droga balik-selda