Home METRO 400 pamilya sa Batanes, Cagayan inilikas sa Bagyong Julian

400 pamilya sa Batanes, Cagayan inilikas sa Bagyong Julian

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Posibleng madagdagan pa ang pamilya na ililikas sa dahil sa kasalukuyan pananalasa at pagbayo ng Bagyong Julian dito sa lalawigan ng Batanes at Cagayan.

Base sa datos, katumbas ng 1,110 na indibidwal na mula sa 29 na Barangay sa lalawigan ng Batanes at Cagayan.

78 na pamilya mula rito o katumbas ng 244 indibidwal ang kasalukuyang tumutuloy sa mga evacuation centers habang 177 na pamilya naman ang pansamantalang tumutuloy sa kanilang mga kaanak at kaibigan.

Ayon kay Regional Director Lucia Allan ng Department of Social Welfare and Development Region 2, sinabi niya na naka-preposition na ang mga food at non-food items sa bawat bayan at lungsod sa rehiyon pangunahin na sa Cagayan at Batanes.

Tiniyak naman niya na patuloy na nakaantabay ang kanilang tanggapan katuwang ang mga Local Government Units at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office para tumugon sa pangangailangan ng mga residente.

Pinayuhan ang publiko pangunahin na nasa low lying areas na lumikas kung kinakailangan para maging ligtas sa pananalasa ng naturang bagyo. Rey Velasco