Home ENTERTAINMENT Sandara, tensyonado sa concert sa Pinas!

Sandara, tensyonado sa concert sa Pinas!

101
0

Seoul, South Korea – Mga daga sa dibdib.

Ganito ang nagkakaisang impresyon ng mga netizens sa tweet ni Sandara Park kamakailan.

May kinalaman ang nadaramang tensyon ng Korean pop idol sa idaraos na comeback concert ng all-girl K-pop group na 2NE1.

Kasama kasi ang Pilipinas sa mga bansa kung saan magtatanghal ang dating kinabilangang grupo ni Sandara.

Sa November ang scheduled tour nito sa atin.

Pero mukhang kinakapos ng kumpiyansa si Sandara kung dudumugin ba ito once it gets here.

Ayon sa kanyang post sa X (dating Twitter): “Hindi ba kailangan ng promo para sa welcome back tour sa Manila?”

Si Sandara na rin mismo ang kumumbinsi sa sarili na i-focus muna ang kanyang isip sa magiging tour sa Seoul, saka na raw niya iisipin ang sa Maynila.

In-assure naman siya ng kanyang mga Pinoy fans na huwag mag-alala.

In fairness to Sandara, hindi nagbago ang mga Pinoy fans sa pakikitungo sa kanya.

Alam ng lahat that whenever she gets the chance, Sandara manages to fly to Manila and traces her roots to where and how her career began here.

Sandara considers our country her second home–a trait which has endeared herself to us. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here