Manila, Philippines- Hindi nagustuhan ng mga tagasuporta ni Ruru Madrid ang ginawang pagkukumpara ni Lolit Solis sa aktor at sa kanyang alagang si Paolo Contis.
Ito’y bunsod ng labis na pagtataka ng talent manager kung bakit hindi inaalok si Paolo ng teleserye ng GMA.
As it is now, Bubble Gang lang ang regular show ni Paolo.
Umabot na nga si Lolit sa puntong sinabi niyang kumpara rin lang daw kay Ruru ay ‘di hamak na mas magaling na aktor si Paolo.
Bagama’t opinyon ‘yon ni Lolit, natural lang daw na depensahan niya si Paolo dahil “may nakukubra siyang komisyon dito.”
“Alangan namang i-promote ni Lolit si Ruru, eh, wala naman siyang ganansya dito!” ayon sa mga tagapagtanggol ni Ruru.
Nakalimutan din daw ni Lolit na “call” ‘yon ng GMA management kung sino sa kanilang mga kontratadong artista ang bibigyan nila ng shows.
“Why does Lolit have to take it against Ruru, eh, sa network nakasalalay ang trabaho ng sinumang artista nila? Magtigil nga siya!” galit pang sabi ng mga ito.
Ipinagsisintir din kasi ni Lolit ang kawalan ng naipundar na bahay ni Paolo gayong ang tagal na nito sa showbiz.
Malayo raw si Paolo sa iba pa niyang mga alaga na sina Tonton Gutierrez at Alfred Vargas na nakapundar na ng bahay.
“Hindi na ‘yon kasalanan ni Ruru!
“Saka hindi naman sinasabi ni Ruru na kaya may trabaho siya ay dahil magaling siya!” pahabol pang sabi ng mga pro-Ruru. Ronnie Carrasco III