MANILA, Philippines – Umabot na sa 403 gas stations ang nagsara sa bansa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis, ayon sa PNP, na nagsasagawa ng imbestigasyon sa posibleng iligal na gawain.
Ayon kay Brig. Gen. Randulf Tuaño, mula 273 noong Miyerkules ay umabot na sa 403 ang saradong istasyon mula sa 14,313 na mino-monitor.
“Mula po siya sa 273 noong Miyerkules at umabot na nga po siya sa 403,” aniya.
Iniimbestigahan ng PNP at DOE kung may kinalaman ang hoarding o profiteering sa mga pagsasara.
Tiniyak din na sapat pa ang suplay ng langis hanggang kalagitnaan ng Abril.
May naihain nang kaso ng ilegal na pagbebenta, hoarding, at profiteering sa Nueva Vizcaya, Eastern Samar, at Albay.
Nagbabala ang PNP na kikilos laban sa mga iligal na gawain.
“We in the PNP fully understand the situation that gas station owners face amid the challenges brought by the situation in the Middle East,” ani Gen. Nartatez.
“But if the sudden closure is for illegal scheme, then expect police action on this matter,” dagdag niya. Santi Celario