Home NATIONWIDE 418 pasahero istranded sa mga pantalan sa Tropical Storm Kristine

418 pasahero istranded sa mga pantalan sa Tropical Storm Kristine

MANILA, Philippines – Stranded na dahil sa bagyong Kristine ang 418 pasahero sa pitong seaports sa buong Bicol at isa sa Quezon, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG.)

Kabilang sa mga pantalan ang Real Port sa Quezon; Virac Port sa Catanduanes; Placer Port San Pascual Port, at Mobile Port sa Masbate; Matnog Port, Bulan Port at Pilar Port sa Sorsogon.

Sa mga stranded sa nasabing mga pantalan nitong Lunes ng hapon, Oktubre 21, ang mga truck drivers, cargo helpers; 25 vessels; 58 rolling cargoes; at tatlong motorbancas.

Ang lima namang sasakyang pandagat ay nananatili sa mga pantalan.

Nitong Lunes, sinabi ng Coast Guard District Bicol na nagdeploy ng mga personnel sa mga seaports upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero lalo na ang mga stranded.

Ang mga sasakyang pandagat ay ipinagbabawal na maglayag sa Camarines Norte at Camarines Sur habang ang roll-on/roll-off o RORO vessels sa Sorsogon na bumibiyahe sa mga pangunahing ruta ay pinayagang maglayag na may ilang kundisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden