MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, inaasahang aabot sa 41°C ang heat index sa Sangley Point (Cavite City) at Zamboanga City ngayong Linggo.
Sa 5 p.m. bulletin nitong Sabado, sinabi ng PAGASA na ang heat index sa mga nasabing lugar ay nasa “extreme caution” category (33°C hanggang 41°C). Babala ng ahensya, maaaring magdulot ito ng heat cramps at heat exhaustion, at kung magtatagal ang exposure, posibleng mauwi sa heat stroke.
Pinayuhan ng Department of Health ang publiko na uminom ng maraming tubig, kumain ng prutas na may mataas na tubig, iwasan ang inuming may caffeine, maglagay muli ng sunblock, at magsuot ng komportableng damit.
Bukod dito, marami pang lugar sa bansa ang makakaranas ng “extreme caution” na antas ng init:
40°C: Baler (Aurora), Coron at Cuyo (Palawan), Borongan (Eastern Samar), Cotabato City, at Butuan City
39°C: NAIA-Pasay (Manila), Bacnotan (La Union), Itbayat (Batanes), Tuguegarao (Cagayan), Casiguran (Aurora), Iba (Zambales), CLSU-Muñoz (Nueva Ecija), San Ildefonso (Bulacan), Camiling at Hacienda Luisita (Tarlac), Ambulong (Batangas), Puerto Princesa, Pili (Camarines Sur), at Dumangas (Iloilo)
38°C: Dagupan (Pangasinan), Echague (Isabela), Subic Bay (Olongapo), Calapan at San Jose (Mindoro), Aborlan (Palawan), Virac (Catanduanes), Panglao Airport, Guiuan (Eastern Samar), Davao City, at General Santos City
37°C: Hinatuan at Surigao City, Dipolog, Iloilo City, Roxas City, Masbate City, Romblon, Los Baños (Laguna), Alabat (Quezon), Clark (Pampanga), at Science Garden (Quezon City)
36°C pababa: Iba pang lugar tulad ng Aparri (Cagayan), Bayombong (Nueva Vizcaya), Tayabas at Infanta (Quezon), Indang (Cavite), Legazpi, Sorsogon, Catarman, Tacloban, Dumaguete, at iba pa ay makakaranas ng heat index mula 36°C hanggang 33°C.
Patuloy na pinaaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa matinding init upang maiwasan ang mga sakit na dulot nito. RNT/MND