MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs na napalaya na ang 78 Pilipino na naging biktima ng human trafficking at napilitang magtrabaho sa online scam operations sa Myanmar.
“DFA welcomes the release of seventy-eight (78) Filipinos who were detained for immigration-related offenses in Myanmar.” Dagdag nito, ang mga biktima ay dati ring nahatulan dahil sa illegal entry at pananatili sa bansa matapos silang pagsamantalahan ng mga sindikato.
Kasalukuyan nang inaayos ang kanilang pagbabalik sa Pilipinas, sa pangunguna ng Philippine Embassy sa Yangon. Ayon sa DFA, pinapabilis ng embahada ang “prompt, safe and orderly repatriation of the 78 Filipinos to the Philippines, in coordination with Myanmar authorities.”
Muling iginiit ng DFA ang kanilang tungkulin na protektahan ang mga Pilipino sa ibang bansa, at sinabing “reaffirms its foreign policy pillar of protecting Filipino nationals overseas.”
Isinasagawa ang mga hakbang na ito katuwang ang Department of Migrant Workers, habang patuloy namang hinahabol ng mga awtoridad ang mga responsable sa illegal recruitment at human trafficking ng mga Pilipino para sa iligal na trabaho abroad. RNT/MND