Home NATIONWIDE 41K kandidato mag-aagawan sa lokal na eleksyon

41K kandidato mag-aagawan sa lokal na eleksyon

MANILA, Philippines – Magsisimula nang mangampanya ngayong araw, Marso 28 ang mahigit 41,000 kandidato para sa mga lokal na posisyon para sa May 12 elections.

Sa datos ng Commission on Elections (Comelec), mayroong 41,342 na kandidato para sa mga kinatawan ng distrito, gobernador, bise gobernador, provincial board members, mayor, bise alkalde, at mga konsehal sa darating na botohan.

Ang 45-araw na panahon ng kampanya para sa mga lokal na kandidato ay hanggang Mayo 10.

Pinaalalahanan naman ni Comelec Chairman George Garcia ang lahat ng kandidato na mahigpit na sundin ang campaign guidelines.

Sinabi ni Garcia, kanya nang inataan ang local Comelec personnel na maglagay ng mas marami pang common poster areas sa kani-kanilang lugar.

Sa pagsasagawa ng campaign rally, sinabi ni Garcia na ang mga kandodato at political parties ay dapat sumunod sa patakaran ng local government units kabilang ang pagkuha ng kinakailangang permit.

Paalala ni Garcia, ang mga lalabag sa patakaran ay padadalhan ng abiso ng komisyon.

“Dont disregard the notices to remove. That is preparatory to file a case againts you”, sabi ni Garcia. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)