Home NATIONWIDE P5.9M high-grade marijuana naharang sa Pampanga

P5.9M high-grade marijuana naharang sa Pampanga

PAMPANGA – HIGIT sa P5.9 milyong halaga ng high-grade marijuana ang naharang ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon kahapon sa lalawigan nito.

Ayon kay Police Col. Rolando Cuya, Jr., officer-in-charge PNP-Drug Enforcement Group (PNP-DEG), katuwang ang Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (CRK-IADITG) PNP DEG, bandang 8:00 AM Marso 27, 2025, naharang nila ang parcel sa controlled delivery operation, Clarkfield, Pampanga.

Dito, tumambad sa kanilang harapan ang parcel na naglalaman ng mataas na klase ng marijuana na may bigat na 3,896 gramo mula Thailand para sa isang nagngangalang Paul mula sa probinsya ng Albay.

Tinurn-over naman sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nakumpiskang marijuana para sa tamang disposisyon at dokumentasyon./Mary Anne Sapico