Home METRO Pagpatay sa aso binidyo, kelot arestado

Pagpatay sa aso binidyo, kelot arestado

MANILA, Philippines – -KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang lalaki sa Masbate sa viral video nito ng pagpatay sa aso.

Sa Mandaon, Masbate, dinakip ng mga awtoridad ang isang nagngangalang “Tantan” matapos mag viral sa social media ang pagpatay nito ng aso sa pamamagitan ng paghataw ng kahoy sa ulo.

Naalarma ang pamunuan ng Animal Welfare Investigation Project at nagsagawa sila ng imbestigasyon para matunton ang kinaroroonan ng suspek.

Ayon kay Greg Quimpo, regional director of Animal Welfare Investigation Project, nakalagay sa video na mula Tagum, Davao del Norte ang insidente.

Pero, kalaunan nadiskubre nila na totoong nangyari ang pagpatay sa aso sa Barangay Kabitan, Mandaon Masbate.

Nakipagtulungan ang grupo ni Quimpo sa barangay at natunton ang suspek at inamin nitong ginawa niya ang pagpatay sa aso dahil nanghahabol ito ng mga taong dumadaan at nangangagat. RNT