Home METRO Bebot dedo sa utang

Bebot dedo sa utang

CEBU CITY- PATAY ang isang babae matapos barilin ng isa sa dalawang suspek dahil umano sa hindi nito pagbabayad ng utang, iniulat kahapon sa Carcar City.

Kinilala ang biktimang si Yesha Enad Sato, 28, at residente ng Sitio Luan-luan, Brgy. Poblacion, Carcar City .

Nadakip naman ang suspek na kinilalang sina Alberto Aguilar Diez, 39, gunman, at Aljune Sosona Serenio, 35.

Batay sa report ng pulisya, bigla na lamang dumating ang suspek sa bahay ng biktima at walang babalang pinagbabaril ito sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran kamatayan.

Matapos ang krimen tumakas ang mga suspek subalit kalaunan ay nadakip din ng mga awtoridad sa isinagawang follow-up operations.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, hindi nababayarang utang ng biktima ang motibo sa krimen.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at posibleng maharap sa kasong pagpatay ang dalawang suspek./Mary Anne Sapico