Home NATIONWIDE Susan Ople Labor, Migration, and Dev’t Resource Center binuksan sa Makati

Susan Ople Labor, Migration, and Dev’t Resource Center binuksan sa Makati

Binuksan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Susan Ople Labor, Migration, and Development Resource Center sa Makati City upang palakasin ang suporta ng gobyerno para sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, ang center ay magsisilbing sentro ng kaalaman at suporta para sa mga OFW, kanilang pamilya, at mga gumagawa ng patakaran. Dito maaaring ma-access ang mahahalagang impormasyon sa migration, karapatan sa trabaho, at reintegration programs.

Pinangalanan ito bilang parangal kay yumaong Secretary Susan “Toots” Ople, unang pinuno ng DMW at tagapagtaguyod ng mga migranteng manggagawa. Magiging repositoryo rin ito ng labor migration data at firsthand OFW experiences upang mas maunawaan ang tunay na hamon ng mga OFW.

Binigyang-diin ni Cacdac na sa pagbubukas ng resource center, pinalalakas ng gobyerno ang pangako nitong protektahan, bigyang kapangyarihan, at suportahan ang mga OFW. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)