Home NATIONWIDE 41K pulis ipakakalat ngayong Christmas season

41K pulis ipakakalat ngayong Christmas season

MANILA, Philippines – Magpapakalat ng mahigit 41,000 pulis ang Philippine National Police (PNP) sa buong bansa para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Nasa diskresyon na ng regional directors kung patataasin pa nila ang bilang ng initial deployment ng tauhan sa kanilang mga lugar kung kinakailangan.

“Initially, mga around 41,000 plus po ang ide-deploy po natin nationwide,” saad sa pahayag ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo.

“By next week po, December 15, ay wala na po tayong papayagan na mag-leave sa ating mga kapulisan except sa mga may emergency po na kailangan po nilang asikasuhin. This is to make sure na may sapat tayong bilang ng ide-deploy on holiday season,” dagdag pa niya.

Ayon kay Fajardo, ipinag-utos ni PNP chief General Rommel Marbil ang dagdag na police visibility sa mga lugar na dinaragsa ng mga tao katulad ng mga pamilihan, mall at transport terminals.

Nitong Linggo, Disyembre 8, sinabi ng PNP na inatasan na nila ang mga unit sa buong bansa na palakasin ang regular patrols sa high-traffic areas habang papalapit ang holiday season.

“Christmas is a season of joy and giving, but it is also a period when criminal elements may exploit public vulnerability. The PNP is committed to making this season safe and secure for all Filipinos,” sinabi ni Marbil. RNT/JGC