Home METRO Dalaga, ginahasa at inilibing sa putikan ng ka-chatmate

Dalaga, ginahasa at inilibing sa putikan ng ka-chatmate

CAGAYAN DE ORO CITY — Kalunos-lunos ang sinapit ng isang dalaga matapos itong gahasain at patayin ng 62-anyos na lalaking umano’y ka-chatmate nito, noong Lunes sa lungsod na ito.

Ang biktima ay kinilalang si Diana Jane Erbit, 18-anyos, mula sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte.
Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si Sanny Boy Ratunil (Alyas Boy Tangkong), isang 62-anyos na kargador sa shipping lines at residente ng Mambato, Agora, Barangay Lapasan sa nasabing lungsod.

Ayon kay Capt. Amier Naifh Patron Maruhom, commander ng Agora Police Station 3, natagpuan ng isang residente na si Gerald Doria ang bangkay ng biktima na nakalibing sa putikan at may nakalabas na paa. Sa pagresponde ng mga awtoridad, napag-alaman na may sugat sa leeg ang biktima, na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Pahayag ni Maruhom, bago ang insidente noong Abril 27, 2025, nakita ang dalawa na magkasama, at ipinakilala pa ng suspek ang biktima bilang kanyang nobya.

Ayon pa sa mga residente, nakita nila ang suspek na umalis ng bahay na may bitbit na bag at itak, na posibleng ginamit sa krimen.

Patuloy ang ginagawang manhunt operation ng pulisya laban sa suspek. Mary Anne Sapico