Home METRO 435K paputok nakumpiska sa Kyusi

435K paputok nakumpiska sa Kyusi

MANILA, Philippines – Umabot na sa 453,000 na mga paputok ang nakumpiska sa Quezon City para sa buong buwan ng Disyembre, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).

Samantala, isa na ang naitalang kaso ng firecracker related injury.

Magpapakalat ng mahigit 10,000 pulis sa Metro Manila para siguruhin ang maayos na pagpapatupad ng batas laban sa illegal na paputok.

Ngayong taon, nais na tutukan ng Department of Health (DOH) ang pagsisiguro ng mga magulang na hindi hahawak ng paputok ang mga bata.

Makikipag-ugnayan naman ang DOH sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para tiyakin na maipatutupad ang firecracker ban at community fireworks display zone. RNT/JGC