Home HOME BANNER STORY WPP nabahala sa pagbasura ng Comelec sa election petition vs Quiboloy

WPP nabahala sa pagbasura ng Comelec sa election petition vs Quiboloy

MANILA, Philippines – Nabahala ang Workers’ and Peasants’ Party (WPP) sa pagbasura ng Commission on Elections (Comelec) sa petisyon nito na idiskwalipika ang kasalukuyang nakakulong na self-appointed son of God na si Apollo Quiboloy mula sa pagtakbo sa 2025 senatorial elections.

Sa pahayag, sinabi ng WPP na nananatili itong hindi makapaniwala sa desisyon ng Comelec na nagsasabing si Quiboloy ay hindi isang nuisance candidate.

“Even before the promulgation of the decision, we had already achieved our primary objective since Mr. Quiboloy voluntarily disassociated himself from the WPP, shortly after realizing that the WPP is no pushover,” saad ng partido.

“It is important to emphasize that we do not wish to be perceived as ganging up on Mr. Quiboloy,” dagdag ng WPP.

Sa pagbasura sa petisyon ng WPP, sinabi ng Comelec First Division na mayroong “a dearth of evidence” para ideklara si Quiboloy na isang nuisance candidate.

Inakusahan ni labor leader Sonny Matula, na naghain ng petisyon, si Quiboloy ng “material misrepresentation” at iginiit na ang kanyang nominasyon ng WPP ay “had no factual and legal basis.”

Sinabi rin ni Matula na ang umano’y Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ni Quiboloy ay pirmado ng isang Mark Tolentino, na hindi naman opisyal o miyembro ng WPP.

Nanindigan ang Comelec laban sa petisyon at tinukoy ang procedural violations.

“A petition to declare a candidate as a nuisance candidate cannot be combined with other grounds for a separate remedy,” the decision read.

Ipinaliwanag pa ng komisyon na ang pagpapasa ng CONA na pirmado ng isang ‘unauthorized individual’ ay hindi katumbas ng material misrepresentation na makakaapekto sa eligibility nito.

“Membership or nomination by a political party is not among the qualifications for the position of Senator,” dagdag pa sa desisyon. RNT/JGC