Home HOME BANNER STORY PH paper banknotes na may larawan ng mga bayani mananatili sa sirkulasyon...

PH paper banknotes na may larawan ng mga bayani mananatili sa sirkulasyon – BSP

MANILA, Philippines – Iginiit ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Sabado, Disyembre 21 na mananatili sa sirkulasyon ang mga paper banknote ng Pilipinas tampok ang mga bayani ng bansa, sa kabila ng paglalabas ng mga bagong polymer bill.

“The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) reiterates that Philippine paper banknotes featuring the country’s heroes remain in circulation,” ayon sa central bank.

“The banknotes with historical figures will circulate alongside the newly launched ‘First Philippine Polymer Banknote Series,’ which showcases the country’s rich biodiversity,” dagdag pa.

Nag-isyu ng pahayag ang BSP isang araw makaraang magpahayag ng pagtutol ang August Twenty-One Movement (ATOM) sa desisyon ng BSP na kumikwestyon sa implikasyon ng pag-aalis ng mga bayani ng bansa mula sa mga salapi.

“For more than two decades, the dictator’s family has been hard at work trying to rewrite history and erase from our collective memory the heroes who bravely fought for our freedom,” pahayag ng ATOM.

Ang ATOM ay nabuo kasunod ng 1983 assassination of ni yumaong Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., na makikita sa kasalukuyang P500-paper banknote kasama ang yumao ring asawa na si dating Pangulong Corazon Aquino.

Nitong Sabado, sinabi ng BSP na, “The BSP has always featured the country’s heroes and natural wonders in banknotes and coins.”

“Featuring different symbols of national pride on our banknotes and coins reflects numismatic dynamism and artistry and promotes appreciation of the Filipino identity,” dagdag pa.

Sa kabila nito, magpapatuloy ang produksyon ng BSP na mga paper banknotes tampok ang mga bayani ng Pilipinas.

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay may kaparehong sinabi, kasabay ng pagpapakilala sa First Philippine Polymer Banknote (FPP) Series noong Huwebes.

Bilang depensa sa disenyo, sinabi ng BSP na mahalaga ring maipakilala ang iba’t ibang aspeto ng national pride ng bansa, at kabilang dito ang mga hayop at halaman na matatagpuan sa Pilipinas.

“It will co-circulate so our paper banknotes featuring our Philippine heroes will still be there,” pahayag ni Mary Anne Lim, BSP assistant governor.

“Ang aming stance talaga ay parehas na importante sa ating kultura at sa ating history [Our stance is they are both important to our culture and to our history]. And so, both are being honored and celebrated through our banknotes,” dagdag niya. RNT/JGC