Home NATIONWIDE 44% ng mga Pinoy umaasang gaganda buhay sa susunod na 12 buwan...

44% ng mga Pinoy umaasang gaganda buhay sa susunod na 12 buwan – SWS poll

MANILA, Philippines – Nasa 44 percent ng adult Filipinos ang umaasang bubuti ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Nasa 1,500 Filipinos ang sumalang sa survey na isinagawa noong Marso 21 hanggang 25 kung saan nasa 44% ng mga Pinoy ang naniniwalang walang magbabago sa kanilang pamumuhay.

Nasa 7% naman ang nagsabing posibleng pumangit pa ang kanilang pamumuhay habang 6% ang hindi sumagot.

Ayon sa SWS, ang net personal optimism ay “very high” sa +37, sabay sabing kapareho ito ng “very high” +39 na nakita noong December 2023 survey.

Ang pagbaba naman ng 2 percentage points sa national net personal optimism score ay “due to a decline in Mindanao and slight decreases in Metro Manila and the Visayas, combined with a slight increase” sa ilang bahagi ng Luzon sa labas ng Metro Manila.

Kumpara noong Disyembre 2023, ang net personal optimism sa Mindanao ay bumaba ng 11 points mula +43 hanggang +32 o mula “excellent,” ay nagging “very high” na lamang ito.

Matatandaan na ang net personal optimism ay “negative” ng 11 beses sa 152 polls mula nang magsimula ang SWS, na umabot sa historic low na -19 noong Mayo 2020 o kasagsagan ng COVID-19 pandemic. RNT/JGC