Home NATIONWIDE 44 paliparan sa bansa todo-alerto na sa Semana Santa; CAAP may mga...

44 paliparan sa bansa todo-alerto na sa Semana Santa; CAAP may mga paalala

MANILA, Philippines – Nasa heightened alert ang lahat ng 44 paliparan na pinapatakbo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa inaasahang dagsa ng biyahero ngayong Semana Santa.

Nadagdagan ang personnel, pinaigting ang security checks, at nakaantabay ang mga medical team.

Paalala sa publiko:

-Huwag magdala ng matutulis na bagay, flammable items, at malalaking liquid sa hand-carry;

-Siguraduhing nasa hand-carry rin ang power banks at naaayon sa limit

-Dumating ng hindi bababa sa 3 oras bago ang flight at i-check ang flight advisories.

-Ipinaalala rin na bawal ang pagbibiro tungkol sa bomba.

Samantala, nanawagan si Senadora Grace Poe ng mga pagpapabuti sa NAIA gaya ng malinis na CR, maayos na aircon, at mabilis na baggage at E-Gate systems. RNT