Home HOME BANNER STORY 44 pang OFWs na hagip ng US-Iran tension, nakauwi na ng Pinas

44 pang OFWs na hagip ng US-Iran tension, nakauwi na ng Pinas

186
0

MANILA, Philippines – Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Miyerkules ang 44 overseas Filipino workers (OFWs) mula Israel at Dubai, United Arab Emirates (UAE) sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot sa Middle East.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), 16 OFWs mula Israel ang tumawid sa Taba Border patungong Egypt bago lumipad papuntang Oman at tuluyang makabalik sa Pilipinas. Dumating sila sa NAIA Terminal 1 alas-9 ng gabi.

Samantala, 25 OFWs at isang dependent mula Dubai ang dumating sa NAIA Terminal 3.

Sinalubong ang mga umuwing OFW ng DMW at iba pang ahensya ng pamahalaan bilang bahagi ng post-arrival assistance.

Makakatanggap ang mga OFW ng financial at medical assistance, pati psychosocial counseling, pagkain, tirahan, at tulong sa transportasyon.

Lumala ang tensyon sa Middle East matapos maglunsad ng pag-atake ang United States at Israel laban sa Iran noong Pebrero 28, na nag-udyok sa ilang Pilipinong manggagawa sa rehiyon na umuwi sa bansa.

Mas maaga ring dumating sa Pilipinas ang 63 Filipino repatriates mula Oman at Qatar, habang 90 OFWs naman mula UAE ang nakauwi noong Lunes. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here