
ISANG magandang balita! Muling pinatunayan ni PhilHealth Acting President and CEO Dr. Edwin M. Mercado na isakatuparan ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking “tuloy-tuloy ang serbisyo ng PhilHealth” sa pagtanggal ng polisiya nitong 45-day benefit limit.
Pinapalawak na ngayon ng social health insurance ang pagsasakatuparan sa pagtanggal ng 45-araw na limitasyon sa benepisyo.
“Ang 45-day limit sa paggamit ng benepisyo ay lumang estratehiya sa pagkontrol ng gastos. Ngunit sa pagbabago ng ating payment mechanism, napapanahon nang repormahin ito dahil hindi natin mahuhulaan kung kailan mangangailangan ng serbisyong medikal ang mga kababayan natin.
Marami sa mga serbisyo ang kinakailangan higit sa 45 araw. Kaya naman nagpapasalamat tayo sa PhilHealth Board sa pag-apruba ng patakarang ito,” paliwanag ni Dr. Mercado.
Nauna nang binigyan aksyon agad ng PhilHealth ang pangangailangang mag- cover ng higit pa sa 45 na araw para sa pagpapalawig ng bilang ng mga session na sakop ng pakete ng hemodialysis – nagsimula sa paunang 45, itinaas sa 90 hanggang sa kasalukuyang 156 na sesyon.
“Nais natin na ang mga Pilipinong may malulubhang sakit, chronic conditions, o ‘di kaya’y nangangailangan ng mahaba-habang pagpapaospital ay patuloy na makatanggap ng serbisyong pangkalusugan nang hindi pa nag-aalala kung sila ba ay mababaon sa utang,” dagdag pa ni Dr. Mercado.
Ipinapaalala ng PhilHealth na ang pagkuha ng mga benepisyo ay dapat nakabatay sa wastong medikal na indikasyon, pangangailangan, at pagkakahanay sa plano ng paggamot ng pasyente, at dapat sumunod sa malawak na tinatanggap na mga pamantayan ng pangangalaga, na inaprubahan ng Department of Health (DOH) na Clinical Practice Guidelines (CPGs), at/o PhilHealth Circulars sa mga pamantaya
Upang matiyak ang responsable at epektibong pagpapatupad ng patakarang ito, mahigpit na susubaybayan ng PhilHealth ang mga admission, readmissions, at paggamit ng benepisyo ng pasyente na higit sa 45 na araw. Ang pagsunod sa pasilidad ng kalusugan sa mga klinikal na pamantayan at mga tuntunin sa reimbursement ay mahigpit na susuriin sa pamamagitan ng Health Care Providers Performance Assessment System (HCPPAS).
Ang mga pasilidad sa kalusugan ay inaatasan din na magpatupad ng mga komprehensibong patakaran sa buong organisasyon na nakatuon sa pagpapabuti ng kalidad at pagganap. Magiging kritikal ito sa pagtuon ng PhilHealth na magbigay ng insentibo sa mga serbisyo na humahantong sa pinakamahusay na mga resulta.
“Layon natin na ang bawat serbisyong sinusuportahan ng PhilHealth ay tunay na nagdudulot ng katiwasayan sa miyembro. Ginagawa naman na ito ng ating mga ospital — ako rin, bilang hospital administrator noon, ay pinagtuunan namin ng pansin ang pagmo-monitor ng outcomes. Ngunit, ang gusto natin ngayon ay unti-unti mag-transition ang PhilHealth to value-based financing,” saad ni Dr. Mercado.
Para sa detalye ng PhilHealth Circular 2025-0007, maaaring tumawag ang miyembro sa PhilHealth’s 24/7 touch points sa (02) 866-225-88 o sa mobile numbers (Smart) 0998-857-2957, 0968-865-4670, (Globe) 0917-1275987 or 0917-1109812. Maaari din itong i-download sa www.philhealth.gov.ph.