Home METRO Matinding trapik naranasan sa NLEX sa disgrasya sa Marilao Interchange Bridge

Matinding trapik naranasan sa NLEX sa disgrasya sa Marilao Interchange Bridge

(c) Val Leonardo

Matinding trapiko ang naranasan sa northbound lane ng NLEX matapos mabangga ng isang trailer truck ang Marilao Interchange Bridge.

Nangyari ang insidente noong Miyerkules ng madaling araw, na nagdulot ng malaking abala habang patuloy ang pagsasaayos ng tulay.

Val Leonardo

Ayon sa mga opisyal ng NLEX, sarado ang dalawang lane sa ilalim ng tulay habang isinasagawa ang pagkukumpuni.

Lumampas sa 4.27-metrong clearance limit ang truck, dahilan ng aksidente, kaya’t umabot sa dalawang oras ang dagdag sa biyahe kahit may counterflow na ipinatupad.

Tumilapon sa labas ng sasakyan ang asawa ng drayber dahil sa lakas ng impact, ngunit hindi naman ito malubhang nasugatan.

Hawak na ng pulisya ang drayber, na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property.

Pinabulaanan ng mga awtoridad ang haka-haka na bumaba ang clearance ng tulay dahil sa road paving, at sinabing nananatili itong nasa 4.5 metro. RNT