MANILA, Philippines – Iginiit ng abogadong si Nicholas Kaufman, ilegal ang pagkakakulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague Penitentiary Institution at dapat siyang agad na makabalik sa Pilipinas.
Sinagot niya ang pahayag ni Bise Presidente Sara Duterte na ginagawa ang lahat para maibalik ang ama bago o pagkatapos ng halalan sa Mayo 2025.
“Why not? That’s his country. That was where he was born. Why should he not go back?” ani Kaufman sa reporters. “As far as I’m concerned, he’s being illegally detained here, and he should go back to The Philippines as soon as possible.”
Nahaharap si Duterte sa kasong crimes against humanity dahil sa kanyang war on drugs.
Ayon kay dating Executive Secretary Salvador Medialdea, “dinukot” si Duterte bago dinala sa The Hague, ngunit giit ng mga awtoridad sa Pilipinas, legal ang kanyang pag-aresto.
Tiniyak naman ni Presiding Judge Iulia Motoc na daraan sa kumpletong proseso ang kaso bago kumpirmahin ang mga paratang, kung saan may pagkakataon si Duterte na kuwestyunin ang kanyang pag-aresto at hurisdiksyon ng korte.
Nakatakda ang susunod na pagdinig sa Setyembre 23.
Matapos bisitahin si Duterte, sinabi ni Kaufman na ilalabas na ngayong linggo ang listahan ng depensa, kung saan may mga Pilipinong abogado na sasama. Dagdag niya, hindi na kailangan ang tulong ng ICC Office of Public Counsel for the Defence sa kaso.