Home NATIONWIDE P42M lotto jackpots ‘di napanalunan

P42M lotto jackpots ‘di napanalunan

MANILA, Philippines – Walang nanalo sa major lotto jackpots noong Huwebes, Marso 20, 2025, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Hindi napanalunan ang P36.8 milyong jackpot ng Superlotto 6/49 matapos walang tumama sa numerong 32-01-33-27-05-21.

Wala ring nakakuha ng P5.94 milyong jackpot sa Lotto 6/42, kung saan hindi natayaan ang kombinasyong 02-14-36-03-15-33. RNT