MANILA, Philippines – Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Abril 1, 2025, bilang regular na holiday sa buong bansa para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr, alinsunod sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).
Sa pamamagitan ng Proklamasyon 839, binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng pagkilala sa relihiyoso at kultural na diwa ng Eid’l Fitr, upang bigyang-daan ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng kapistahan kasama ang komunidad ng Muslim.
Ang Eid’l Fitr, na hudyat ng pagtatapos ng Ramadan, ay isa sa pinakamahalagang pagdiriwang sa Islam. Idineklara itong regular na holiday sa bisa ng Republic Act 9177, at ang petsa nito ay batay sa Islamic lunar calendar gamit ang pagsubaybay sa bagong buwan. RNT