Home NATIONWIDE Amihan, Shear Line, Easterlies magpapaulan sa bansa

Amihan, Shear Line, Easterlies magpapaulan sa bansa

Magpapatuloy ang epekto ng Northeast Monsoon (Amihan) sa Luzon, habang apektado ng Shear Line ang Visayas at ng Easterlies ang ilang bahagi ng Mindanao, ayon sa PAGASA.

Inaasahang magiging maulap ang kalangitan na may pag-ulan at pagkulog sa Visayas, Bicol Region, at Dinagat Islands dahil sa Shear Line, na maaaring magdulot ng flash floods o landslides. Magkakaroon din ng katulad na lagay ng panahon sa Mindanao, kabilang ang Davao Region, Zamboanga Peninsula, at Palawan, dulot ng Easterlies. Makakaranas naman ng pag-ulan ang Cagayan Valley, Apayao, Aurora, at Quezon dahil sa Amihan.

Bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon na may bahagyang pag-ulan. Ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng pulu-pulong pag-ulan at pagkulog dulot ng Easterlies. Inaasahan din ang malalakas na hangin at maalon na dagat sa silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas, habang katamtaman hanggang malalakas na hangin ang mararanasan sa natitirang bahagi ng Luzon. RNT