BULACAN, Philippines – Arestado ang dalawang indibiduwal nang mahulihan umano ng P3,672 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng Malolos nitong gabi ng Nobyembre 25.
Sa ulat ng Malolos police station, kinilala ang mga naarestong suspek na isang 28 at isang 26 taong gulang kapwa residente ng Brgy. Santor.
Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng istasyon bandang 9:00 ng gabi sa Brgy. Bangkal.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng puting mala-kristal na substansiya na hinihinalang shabu na may timbang na 0.54 gramo at nagkakahalaga ng P3,672.00
Sinasabing ang mga naarestong suspek ay nagtatrabaho bilang barbero at isang delivery rider.
Dinala ang mga suspek at mga ebidensiya sa istasyon para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon ng kanilang kaso.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Sections 5 and 11, Article II of Republic Act No. 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Dick Mirasol III)