Home NATIONWIDE 450K pasahero kada araw, target ng LRT-1

450K pasahero kada araw, target ng LRT-1

191
0

MANILA, Philippines – Target ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang private operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), na maabot ang average na 450,000 daily passengers bago matapos ang 2026.

Sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng LRMC bilang operator ng LRT-1 sa Parañaque City nitong Huwebes, sinabi ni LRMC president Enrico Benipayo na bumalik na sa pre-pandemic levels ang ridership ng tren.

“Pre-COVID, we were around 440,000 all-day average. Now, it is already 440,000 daily ridership,” ani Benipayo.

“Our target really is to end the year with hopefully around an average of 450,000 daily [ridership],” dagdag niya.

Bumabyahe ang LRT-1 mula Fernando Poe Jr. Station sa Quezon City hanggang Dr. Santos Station sa Parañaque City.

Sinabi ng LRMC na patuloy itong nakatuon sa modernisasyon ng rail system, kabilang ang rehabilitasyon ng mga istasyon, pagpapakilala ng 4th Generation train sets, at pagbubukas ng LRT-1 Cavite Extension Phase 1.

“We are taking everything we have learned over the past decade to ensure the continuous development of LRT-1,” ani Benipayo.

Dagdag ng kumpanya, ipagpapatuloy nito ang paggamit ng public-private partnership (PPP) model upang suportahan ang modernisasyon ng railway system. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here