Home NATIONWIDE Komunidad na sakop ng danger zone ng Kanlaon, pinalilikas ng DILG

Komunidad na sakop ng danger zone ng Kanlaon, pinalilikas ng DILG

153
0

MANILA, Philippines – Iniutos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units na tiyakin ang evacuation ng mga komunidad sa loob ng Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Kanlaon kasunod ng pagputok nito nitong Huwebes, Pebrero 19, 2026.

“The DILG directed all concerned local chief executives to ensure that communities within the Permanent Danger Zone remain fully evacuated, and that residents within the six-kilometer radius are on heightened alert and prepared for possible escalation of volcanic activity,” ayon sa pahayag ng ahensya.

Naganap ang pagputok alas-4:38 ng hapon at tumagal ng dalawang minuto, na nagbuga ng dark gray plume na umabot sa 2,000 metro ang taas mula sa crater at tinangay patungong southwest. Nanatili sa Alert Level 2 ang bulkan, at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng apat na kilometrong PDZ.

Inatasan din ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang monitoring sa posibleng lahar flows at palakasin ang risk communication, lalo na sa mga liblib na lugar. Iniutos din ang activation ng disaster risk reduction and management councils, emergency operations centers, at response clusters, pati ang validation ng evacuation centers at paghahanda ng relief supplies at kagamitan.

Nakaranas din ng ashfall ang mga kalapit na bayan, kaya pinaalalahanan ng DILG, katuwang ang Department of Health, ang mga residente na magsagawa ng health precautions tulad ng pagsusuot ng face masks, paglilimita sa outdoor exposure, at pagpapatingin sa doktor ng mga vulnerable groups. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here