Home METRO Tinuksong maliit ang manoy; lover ni misis sinaksak ni mister

Tinuksong maliit ang manoy; lover ni misis sinaksak ni mister

Kahit sinong mabait na mister ay sadyang magiging demonyo kapag inagawan ng asawa at sasabihang kaya pinagtaksilan ay dahil maliit ang kanyang ari.

Nagdilim ang paningin ng tricycle driver na si alyas “Boy Liit” dahil sa hindi na niya masikmurang “pangmamalasado” sa kanya ng “bantay-salakay” na sekyung lihim na karelasyon ng kanyang asawa.

Dahil dito, halos mabalot ng dugo ang uniporme ng 33-anyos na security guard matapos siyang pagsasaksakin ni “Boy Liit”, 37, sa Toril, Davao City nitong Martes ng umaga.

Huling iniulat na nasa malubha sa ospital ang sekyung si “Boy Tapang” sanhi ng mga tama ng saksak sa kanyang likod.

Ayon sa ulat, biglang sumulpot sa tinatanurang malaking tindahan ni “Boy Tapang” ang suspek na si “Boy Liit” at pinagsasaksak ang sekyu na noo’y walang kamalay-malay.

Handa na sanang tapusin ng suspek ang buhay ng biktima pero nakatakbo ito at nadala sa Southern Philippines Medical Center paar gamutin.

Nahuli naman agad ang suspek na sobrang galit na galit matapos siyang mabigong tapusin ang lalaking aniya’y sobrang nakainsulto at tumapak sa kanyang pagkalalaki.

Sa presinto, inamin ni “Boy Liit” na nagawa niya ang krimen nang magdilim ang kanyang paningin sa ginagawa sa kanya ni “Boy Tapang” at ng kanyang misis na isa ring guwardiya.

Ayon sa suspek, magkarelasyon ang dalawa na nahuli niyang “sweet” na magka-chat sa cellphone at aktuwal na magkasama.
Pero ang labis umanong nakainsulto sa kanya ay nang malaman niya na pinagtawanan lamang umano siya ng biktima.

“Masakit siyempre sa akin ‘yun at nakakagalit. Inaano na niya ang asawa at pagkatapos ay malalaman ko na ipinagkakalat niya na maliit daw ang manoy ko kaya nagkaganun ang misis ko,” ang kuwento ni “Boy Liit” sa pulisya.

Galit umano siya sa kanyang misis dahil posibleng ito ang nagkukuwento sa biktima ukol sa haba ng kanyang ari.
Pero batay sa salaysay ng ginang ng suspek, sadyang napakaseloso lang ng kanyang mister.

Binubugbog din umano siya ng mister sa 16 taon nilang pagsasama kaya nanlalamig na siya napakisamahan ito.
Nahaharap si “Boy Liit” sa kanyang frustrated murder. Nats Taboy