Home METRO Misis binaril ni mister dahil sa bulitas ni kumpare

Misis binaril ni mister dahil sa bulitas ni kumpare

CEBU CITY- AGAW-BUHAY ngayon sa ospital ang isang misis matapos pagbabarilin at tagain ng kanyang asawa dahil umano sa birong natikman nito ang bolitas ng kanilang kumpare, iniulat kahapon sa bayan ng Toledo.

Kinilala ang biktima sa pangalan Marcy, 65, habang nadakip naman ang suspek na kinilala sa pangalan Rody, 70-anyos, magsasaka at kapwa residente ng Sitio Lower Bagdok, Barangay Sagay, ng naturang bayan.

Ayon kay Police Master Sgt. Alfredo De Gracia, imbestigador ng Toledo Police Station, bandang 7:00 PM naganap ang insidente sa naturang lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente nag-iinuman ang suspek at kanyang kumpare na nauwi sa biruan na usapan.

Biniro umano ang suspek ng kanyang kumpare na may bolitas ang ari nito at natikman pa ng kanyang misis at dinibdib niya ito.

Pag-uwi ng bahay ng suspek tinangka niyang makipagtalik sa biktima subalit tinanggihan siya nito maski pa halik.

Lalong nagduda ang suspek kaya kinimpronta niya ang misis kung natikman nga nito ang bolitas ng kanilang kumpare at wala naman tumangging umamin si Marcy.

Dahil dito, kinuha ng suspek ang kanyang .38 revolver at pinagbabaril ang kanyang misis na tinamaan sa tiyan.

Hindi pa ito nakuntento at kumuha pa ng itak saka pinagtataga niya ito sa iba’t ibang parte ng katawan.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima para lapatan ng lunas habang nadakip naman ang suspek ng mga rumespondeng pulis at narekober ang baril na ginamit at patalim.

Nahaharap ngayon sa kasong frustrated parricide at paglabag sa Comelec gun ban ang suspek.

Sa himpilan ng pulisya, inamin nito ang ginagawa sa kanyang misis dahil hindi niya napigilan ang galit sap ag-amin sa kanya ng biktima./Mary Anne Sapico