Home METRO Maynila nagbigay ng tig-P2K PLM, UdM students

Maynila nagbigay ng tig-P2K PLM, UdM students

MANILA, Philippines – IPINAHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna na naibigay na ng lokal na pamahalaang lungsod ang nasa P16.4 milyong pondo para sa buwanang allowance ng 8,200 na estudyante ng Pamantasang ng Lungsod ng Manila (PLM).

“The allowances released to each of the 8,200 students is P2,000. That is P1,000 monthly for November and December 2024,” pahayag ni Lacuna.

Nabatid na direktang ipinamahagi ang mga nasabing allowance sa debit card accounts ng mga estudyante ng PLM.

“For Universidad De Manila students, their allowances are released during in-person payouts. The payout is being scheduled,” dagdag pa ng alkalde.

Ayon kay Mayor Lacuna, hindi pa umano nabibigyan ng debit cards ang mga estudyante sa UDM dahil sa dami nila kailangan ang mahaba-habang panahon at pagsisikap. JR Reyes