Home METRO Kinakasama tumangging makipagtalik; dalagita ginawang parausan ni stepdad

Kinakasama tumangging makipagtalik; dalagita ginawang parausan ni stepdad

CEBU CITY- HIMAS rehas ngayon ang isang obrero matapos gawin parausan ang stepdaughter dahil tinatanggihan siyang makipag-sex ng ina ng huli, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Cebu City Police station, ang suspek na itinago sa pangalan Boboy, 40, construction worker at taga Pitogo.

Batay sa report ng tanggapan ng Gender and Development (GAD) Inayawan , bandang 7:00 PM naganap ang panggagahasa ng suspek sa 12-anyos nitong anak-anak sa loob ng kanilang bahay sa nabanggit na barangay.

Sa pahayag ng ina ng biktima, nagsumbong ang kanyang grade 6-student na anak na ginahasa ng kanyang kinakasama sa loob ng kanilang bahay.

Dahil dito, agad niyang sinamahan ang anak sa naturang tanggapan at nagsampa ng reklamo laban sa suspek na nagresulta sa agaran pagkadakip ito.

Sa himpilan ng pulisya, hindi na niya matiis na walang sex sa loob ng 2 linggo kaya ang anak ng kanyang kinakasama ang pinagbuntunan.

Aniya, palagi na lamang siyang tinatanggihan ng ina ng bata na makipagtalik dahil palagi itong dinudugo.

Inihahanda na ang kasong statutory rape laban sa suspek. (Mary Anne Sapico)