NEGROS OCCIDENTAL — Maagang binawian ng buhay ang isang 6-anyos na batang babae matapos makuryente habang nagcha-charge ng cellphone sa loob ng kanilang bahay, iniulat kahapon sa Cadiz City.
Hindi na umabot pang buhay nang idating sa ospital ang biktimang hindi pinangalanan, sanhi ng malakas na boltahe ng kuryenteng pumasok sa katawan nito.
Kuwento ng ama ng biktima, nakita niya ang anak na hawak ang cellphone at sinaksak ang charger sa outlet, subalit hinawakan nito ang mismong metal na bahagi ng saksakan.
Dito, nakita na lamang niya ang anak na nagkikisay at agad na dinala sa ospital, subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga. (Mary Anne Sapico)