Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na mahigit 45 milyong balota na ang naimprenta para sa halalan sa Mayo 12 simula nang ipagpatuloy ang pag-imprenta noong Enero 27 sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.
Hanggang Martes, kabuuang 45,649,329 balota—63.32% ng 72,097,420 opisyal na balota—ang natapos nang imprentahin.
Sa bilang na ito, 22,570,822 ang ginawa ng Miru Systems, ang service provider ng Comelec, habang 23,078,507 ang galing sa NPO.
Kailangan pang tapusin ang pag-imprenta ng 26,448,091 balota, kung saan 14,279,056 ang gagawin ng Miru Systems at 12,169,035 naman ang sa NPO.
Hinati ang trabaho sa pagitan ng dalawang ahensya upang mapabilis ang proseso, at inaasahang matatapos ang pag-imprenta pagsapit ng Marso 9 o 10. RNT