Home NATIONWIDE Cyber attackers ng military data tukoy na ng PH Army

Cyber attackers ng military data tukoy na ng PH Army

MANILA, Philippines – KINUMPIRMA ng Philippine Army (PA) na tukoy na nito ang grupo na pilit na inilulusot ang kanilang cyber systems at ilegal na kinukuha ang military data.

Iyon nga lamang. tumanggi si Col. Louie Dema-ala, tagapagsalita ng Army na pangalanan ang grupo subalit sinabi na isinasagawa na ang full-blown investigation upang tugisin ang mga miyembro nito at pagbayarin sa kanilang ilegal na aktibidad.

“What we can say is that we know the IP [internet protocol] address that they used, we know where they are, we know who these people are,” ayon kay Dema-ala.

Sinabi naman ni Navy spokesperson Captain John Percie Alcos, na parehong grupo ang pilit na gustong wasakin ang mail system ng Philippine Navy (PN).

“We cannot term it as a hacking. It’s an illegal intrusion into our system,” ang sinabi ni Alcos.

“An investigation is well underway to determine the extent of the breach. The whole Navy IT infrastructure was not breached at all and we are further ensuring that no other breaches will be occurring anytime soon,” dagdag na wika nito.

Kapuwa sinabi ng Army at Navy, tinangka ng mga attacker na ilegal na maka-access sa kanilang online systems sa pamamagitan ng paggamit ng credentials mula sa nakompromisong email accounts.

Ang Hacking, sa kabilang dako, may kauganyan sa pag-bypass sa security at changing the system upang makakuha ng access.

“There was no bypass of security when the login was made because we have identified the credentials [of the compromised account],” ang winika ni Dema-ala.

Dahil sa ang dalawang major services ay sangkot sa cyberattack, ang imbestigasyon ay pinangunahan na ng Armed Forces of the Philippines’ (AFP) Cyber Command.

Bahagi ng imbestigasyon ay idetermina kung ang pag-atake ay inside job lalo pa’t mayroong ‘compromised emails, o foreign influence’ ang sangkot.

Samantala, tiniyak naman ng Army at Navy sa publiko na nananatiling “safe” ang sistema nito ay at ang mga tauhan at maging state secrets ay protektado.

“We’re still safe because what they did was only an illegal access, they used a compromised account to gain entry. Maybe there are a lot of possibilities. But as to hacking of the system, it was not compromised and the system is 100 percent working,” ang winika pa rin ni Dema-ala. Kris Jose