Home NATIONWIDE P47.5M ismagel na sigarilyo nadiskubre sa mga abandonadong trak sa Tarlac

P47.5M ismagel na sigarilyo nadiskubre sa mga abandonadong trak sa Tarlac

245
0

TARLAC- Nasabat ng mga awtoridad ang isang malaking shipment ng umano’y mga smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit P47 milyon sa ikinasang sustained follow up operation ng pulisya nitong Martes ng madaling araw, Pebrero 10 sa Sitio Pag-asa, Sinipit, Barangay Tibag, Tarlac City.

Sa ulat, ang mga kontrabando ay nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Tarlac Provincial Police Office, Tarlac City Police Station at Philippine Tobaco Institute (PTI).

Nasabat ang mga iligal na sigarilyo bunsod ng ikinasang buybust operation nitong February 8, 2026, kung saan nalunsad ng follow up operation ang mga awtoridad hinggil umano sa malaking shipment ng mga nakumpiskang kontrabando kung saan apat (4) na indibidwal ang unang naaresto.

Nadiskubre umano ang mga iligal na sigarilyo sa dalawang trak na nakaparada sa lugar (Wing Van & Close Van) kung saan nasamsam ang nasa 683 Master Cases ng mga iligal na sigarilyo na nagkakahalaga ng P47,530,000.

Nasa kustodiya ng mga awtoridad ang nasabat na kartu-kartong smuggled na sigarilyo, habang patuloy na gumugulong ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga nasa likod ng mga iligal na kargamento, para pagsasampa mga kaukulang kaso. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here