MANILA, Philippines- Positibo ang halos kalahati ng mga Pilipino na gaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa non-commissioned Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa mula Sept. 14 hanggang 23.
Batay sa survey, ipinalabas nitong Huwebes, Nov. 14, 47 porsyento ng mga Pilipino ang naniniwala na bubuti ang kalidad ng kanilang buhay, habang 40 porsyento ang nagsabing inaasahan nilang wala itong magiging pagbabago.
Samantala, 5 porsyento lamang ang naniniwala na lalala ito, habang 8 porsyento ang hindi tumugon.
“The resulting Net Personal Optimism score is +42 (percentage of optimists minus percentage of pessimists), classified by SWS as excellent,” ayon sa SWS.
“The September 2024 Net Personal Optimism score was similar to the excellent +41 in June 2024, following a slight increase from very high +37 in March 2024,” dagdag nito.
“The one-point increase in the national Net Personal Optimism score between June 2024 and September 2024 was due to slight increases in Metro Manila and the Visayas, combined with a slight decrease in Mindanao and a steady score in Balance Luzon (or Luzon outside of Metro Manila),” base pa sa SWS.
Isinagawa ang Third Quarter 2024 SWS survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adults, edad 18 pataas, sa buong bansa. RNT/SA