Home NATIONWIDE US magbibigay ng karagdagang tulong para sa ‘Kristine’ response  

US magbibigay ng karagdagang tulong para sa ‘Kristine’ response  

MANILA, Philippines- Magbibigay ang pamahalaan ng United States ng karagdagang P196 milyong ($3.5 milyon) tulong sa pagtugon ng Philippine government sa Severe Tropical Storm Kristine.

Sa pamamagitan ng US Agency for International Development, susuportahan ng US ang response logistics at magbibigay ng malinis na tubig, sanitation, masisilungan at cash assistance sa mga residente ng mga apektadong lugar sa Bicol at Batangas.

Susuportahan din nito ang mga komunidad na apektado ng  sunod-sunod na kalamidad, batay sa US Embassy sa Manila.

Ang pinakabagong pondo ay dagdag sa P84 milyong ($1.5 milyon) inanunsyo noong Oktubre upang magbigay ng emergency shelter, tubig, sanitation, hygiene assistance, at critical logistics support​.

Itinaas din nito ang kabuuang halaga ng tulong ng U​S para sa disaster response ng Pilipinas sa P280 milyon ($5 milyon).

“As your friend, partner, and ally, the United States is committed to working with the Philippine government and people as they rebuild and recover,” ani US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson. RNT/SA