Home HOME BANNER STORY PNP: Index crimes bumaba ng 13% mula Jan. 1 ‘gang Nov. 8

PNP: Index crimes bumaba ng 13% mula Jan. 1 ‘gang Nov. 8

102
0

MANILA, Philippines- Iniulat ng Philippine National Police (PNP) ang 13.51 porsyentong pagbaba sa index crimes sa unang 10 buwan ng 2024.

Sa press briefing kamakailan sa Camp Crame, sinabi ni Philippine National Police (PNP) information chief at spokesperson Brig Gen. Jean Fajardo na 30,322 index crime incidents ang naitala mula Jan. 1 hanggang Nov. 8, mas mababa kumpara sa 35,057 na ginawa sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Sa nasabing period, nakapagtala rin ang kapulisan ng 30,166 focus crime incidents, mas mababa ng 13.52 porsyento kumpara sa 34,883 insidenteng naitala sa parehong period noong 2023.

Tinutukoy na focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, vehicle theft, at motorcycle theft.

Subalit, umakyat ang motor vehicle theft ng 1.42 porsyento ng 1,714 kumpara sa 1,690 sa parehong period noong nakaraang taon. Pumalo rin ang homicide cases sa 995, mas mataas ng 3.65 porsyento kumpara sa 960 na naitala noong nakaraang taon.

Ani Fajardo, bumaba ang cybercrime cases sa bansa ng 5.75 porsyento sa ikatlong quarter ng taon kumpara sa unang anim na buwan ng taon.

Batay sa pinakabagong datos, inihayag ni Fajardo na 3,494 cybercrime cases ang naitala mula Hulyo hanggang Setyembre ng taong ito kumpara sa 3,707 sa ikalawang quarter, at 4,354 sa unang quarter.

Base sa PNP Anti-Cybercrime Group, nakita ang downtrend sa cybercrimes, tulad ng online scams, na iniugnay nito sa pinahusay na enforcement at awareness campaigns.

Iginiit ni Fajardo na ang direktiba ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ay patuloy na ipatupad ang police interventions upang mapanatili ang bumababang crime rate, lalo na sa nalalapit na holiday season.

“At ang kabilin-bilinan niya sa mga commanders is to strictly supervise yung ating mga tauhan sa baba dahil ang sinasabi ng ating chief PNP itong ating mga subordinates, yung ating mga foot patrols lalong-lalo na sila yung representation ng PNP. So, dapat makitaan sila na mismong sila ang tapat sa tungkulin kasi kung ano yung gagawin nung mga nasa baba nagre-reflect yan sa kabuuan ng PNP,” paglalahad ni Fajardo.

Samantala, mula Jan. 1 hanggang Nov. 2, nadakip ng PNP ang 49,621 drug offenders sa 40,351 police operations na nagresulta sa pagkakasabat sa P19.29 bilyong halaga ng ilegal na droga. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here