Home METRO Bagong towing, impounding guideline sa NCR kasado sa sunod na taon

Bagong towing, impounding guideline sa NCR kasado sa sunod na taon

MANILA, Philippines- Ipatutupad ang nirebisang alituntunin sa towing at impounding operations sa National Capital Region (NCR) sa susunod na taon upang tugunan ang mga reklamo mula sa vehicle owners, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes.

“Siguro by early next year na natin yan mapapatupad,” pahayag ni MMDA chairperson Romando Artes sa isang press conference.

Ani Artes, kasado ang bagong taripa base sa distansya.

Bibigyan din ng opsyon ang mga driver o may-ari kung nais nilang kunin ang kanilang sasakyan sa halip na hatakin ito sa impounding area ng MMDA sa Tumana, Marikina.

“Siyempre hindi naman natin kagustuhan na tumirik yung ating mga sasakyan. Instead na automatic dalhin sa Tumana para i-impound, bibigyan po natin ng option yung driver o yung may-ari ng sasakyan  na ihatid na lang sila sa bahay, mall, kung puwede sila mag-park, or diretso sila sa talyer,” wika ni Artes.

Ayon kay Artes, ito ay upang maiwasan ang trapiko at gastos sa bahagi ng driver o may-ari ng nasitang sasakyan.

Sa ilalim ng bagong alituntunin, makikipagtulungan ang MMDA sa limang towing service firms na sasaklawin ang limang sektor ng Metro Manila — North, East, West, South, at Central.

“These guidelines shall apply to all towing services and trucks operating in Metro Manila including those operated and/or owned by government agencies or instrumentalities,” the anang MMDA sa presentasyon.

“It shall also include, among others, tow trucks operated or owned by motor vehicle repair shops, business establishments, transport groups, public utility companies and private clubs, groups or associations,” dagdag nito. RNT/SA