Home NATIONWIDE 48 patay sa gumuhong highway sa Tsina

48 patay sa gumuhong highway sa Tsina

BEIJING- Bumigay ang isang highway sa Guangdong province sa southern China, kung saan nasawi ang nasa 48 indibidwal, base sa state media nitong Huwebes, na nirebisa ang death toll mula 36 sa pagpapatuloy ng rescue work.

Nagdulot ang malakas na ulan ng pagguho ng kahabaan ng kalsada mula Meizhou city patungong Dabu county bandang alas-2:10 ng madaling araw nitong Miyerkules (1810 GMT Martes), ayon sa state news agency Xinhua.

Bumulusok pababa sa halos 18-metrong lalim ang mga sasakyan.

Sunod-sunod ang trahedya sa Guangdong nitong mga nakalipas na linggo dahil sa extreme weather events.

Nakaranas ang lugar ng malalakas na pag-ulan kumpara sa inaasahan sa panahong ito na iniuugnay sa climate change.

“Reporters understand from a press conference held by the city of Meizhou, Guangdong, that the highway collapse disaster… has led to the deaths of 48 people,” ulat ng Xinhua nitong Huwebes ng hapon.

Naiulat nitong Huwebes ng umaga na 36 na ang bilang ng nasawi.

“In addition, there are three people whose DNA is undergoing further comparison and confirmation,” anang Xinhua.

Hindi agad malinaw kung kasama ang tatlong nabanggit sa death toll na 48.

Ayon pa sa Xinhua, 30 indibidwal ang sugatan sa insidente subalit hindi naman kritikal ang kanilang kalagayan.

Makikita sa footage ng state broadcaster CCTV ang paghukay ng excavators sa maputik na bahagi ng daang gumuho.

Tinawag ng state media ang road collapse na isang “natural geological disaster” dulot ng “impact of persistent heavy rain.”

Ipinag-utos naman ni President Xi Jinping sa mga opisyal na “go all-out in on-site rescue work and treatment of the injured, and arrange for the management of risks and hidden dangers in a timely manner,” ayon sa CCTV nitong Huwebes.

Halos 500 indibidwal ang itinalaga upang tumulong sa rescue operation, dagdag nito.

Ang provincial government “has mobilized elite specialized forces and gone all out to carry out… search and rescue,” base sa Xinhua. RNT/SA