Home METRO Higit 1M bagets sa BARMM nabakunahan vs tigdas

Higit 1M bagets sa BARMM nabakunahan vs tigdas

MANILA, Philippines- Sa layuning tugunan ang measles outbreak, inanunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes na nabukunahan nito ang 1,177,299 bata sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Inilahad ni DOH Assistant Secretary and spokesperson Albert Domingo na umabot ang vaccination drive, bahagi ng Measles Outbreak Response Immunization (MORI), sa milestone na ito hanggang nitong Mayo 1.

Nakatanggap ang mga nabakunahang bata, edad anim na buwan hanggang hindi lalampas sa 10 taong gulang, ng measles-rubella (MR) vaccine, na mahalagang depensa laban sa tigdas.

Pinangunahan ng Ministry of Health (MOH), sinabi ni Domingo na binibigyang-diin ng aktibidad ang commitment ng pamahalaan na tiyakin ang public health. RNT/SA