Home NATIONWIDE 48°C heat index naitala sa Cavite CityNATIONWIDETOP STORIES 48°C heat index naitala sa Cavite CityMay 22, 2026 17:48770 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Iniulat ang 48 degrees Celsius na heat index sa Cavite City nitong Huwebes, Mayo 21.Ayon sa PAGASA, lumampas pa ito sa heat index forecast na 46°C.Ito ang pinakamataas na heat index para sa CALABARZON sa nasabing araw.Batay sa forecast ng ahensya, ang Cavite City ay makararanas pa rin ng heat index na 45°C ngayong Biyernes at 46°C bukas, Mayo 23.Naranasan na ang 45 degrees Celsius na heat index sa Cavite City noong Mayo 17, 18, at 20.Samantala, inaasahan din ang heat index na 44°C para sa Tanauan City, Batangas.Ang Quezon province naman ay posibleng makaranas ng 45°C heat index partikular sa Alabat, 44°C sa Infanta town, at 43°C sa Tayabas City. RNT/JGC