Home METRO 49 nawawala sa Davao de Oro landslide – OCD Davao

49 nawawala sa Davao de Oro landslide – OCD Davao

MANILA, Philippines- Patuloy ang paghahanap ng rescuers sa 49 nawawalang indibidwal sa naganap na landslide sa Maco, Davao de Oro, na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa pitong katao, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) regional office said on Thursday.

“I-update kita. Ito from the ground, seven dead, 31 injured, 49 missing (I will update you. This is information from the ground: seven dead, 31 injured, 49 missing),” ani OCD Davao Region director Ednar Dayanghirang sa isang panayam.

Martes ng gabi nang gumuho ang lupa sa garahe ng isang bus company, barangay hall, at residential areas sa Zone 1 Barangay Masara sa bayan ng Maco.

Malapit ang apektadong lugar sa isang mining site kung saan nagtatrabaho ang mga empleyado sa tatlong shifts para sa 24-hour operation nito. Pauwi na ang ilang trabahador nang maganap ang insidente.

Bukod sa halos 30 pasahero ng dalawang bus, mas maraming residente ang pinangangambahang natabunan sa landslide, ayon sa local disaster officials.

Hamon sa rescuers ang malawak na saklawa ng landslide.

Bago ang insidente sa Maco, may kabuuang 21 ang naiulat na namatay sa pagbaha at landslides sa Davao de Oro at Davao del Norte, ayon sa provincial disaster risk reduction and management offices.

Hanggang nitong Huwebes ng umaga, 1,193,443 indibidwal ang apektado ng Northeast Monsoon o Amihan at ng trough ng low pressure area (LPA), ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Kabilang sa mga apektadong rehiyon ang Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga at Bangsamoro.

Sa bilang na ito,  68,024 indibidwal o 18,551 pamilya ang nananatili sa 275 evacuation centers, habang 605,573 katao o166,271 pamilya ang nasa ibang lugar.

Base sa OCD XI, unti-unti nang nagbabalikan ang ilang evacuees sa Maco amatapos suriin ng mga awtoridad ang lugar kung saan naganap ang landslide.

Naiulat naman ang P123,547,000 halaga ng pinsala sa imprastraktura, kung saan kabuuang 1,308 kabahayan ang napinsala—552 ang tuluyang nawasak habang 756 ang nagtamo ng sira.

Nagdeklara naman ng state of calamity sa buong lalawigan ng Agusan del Sur at sa bayan ng Lingig sa Surigao del Sur.

“On 28 January 2024, the Northeast Monsoon and the Trough of the LPA ffected Mindanao,” pahayag ng NDRRMC.

“The trough of the LPA continued to bring light to heavy rains until 03 February 2024. This resulted in flooding and landslide incidents in some areas in Mindanao. On 03 February 2024, 11:00 AM, the LPA has dissipated,” dagdag nito. RNT/SA

Previous articleBong Go: Pagresolba sa OFW-Italy recruitment scam, bilisan!
Next articleSharon, hirap maglakad, nananakit ang mga paa at hita!