Home ENTERTAINMENT Sharon, hirap maglakad, nananakit ang mga paa at hita!

Sharon, hirap maglakad, nananakit ang mga paa at hita!

Manila, Philippines- Sa interview ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN News, nagkwento siya tungkol sa kanyang health condition.

Aniya, kailangan niya nang magpa-therapy dahil sa patuloy na pananakit ng kanyang paa at hita.

Hirap na hirap na raw siyang maglakad ngayon.

Sabi ni Sharon, “It has nothing to do with bone or muscle. It’s nerve. So I need to do physical therapy. I’m still limping. My meds have been up. But thank God it’s nothing worst than that.

“It’s very painful, so when I walk, napipilitan akong mag-limp because all over the leg.

“But in time, I’ll be fine. It depends on the therapy,” aniya pa.

Sa lamay ng yumaong ABS-CBN executive na si Deo Endrinal nakapanayam ng ABS-CBN News si Sharon.

Ayon sa Megastar, hindi raw talaga sila super close ni Deo pero naniniwala siya na nirerespeto at mahal nila ang isa’t isa kaya nagpunta siya sa burol nito.

“We didn’t really have a very close friendship. But always a very good and pleasant relationship at work. ‘Coz Deo is the kind of person who never said one thing and then another thing.

“He was always like ‘yes or no’. Never beating around the bush,” ang sabi pa ni Sharon tungkol kay Deo.

“There was a lot of respect he had for me and me to him. I hope it was mutual. I believe it was a mutual.”

Kung hindi raw nagkakamali ang mommy ni KC Concepcion, ang huling usapan nila ni Deo ay tungkol sa susunod niyang project under Dreamscape Entertainment. Huli siyang napanood sa FPJ’s: Ang Probinsyano na proyekto ni Deo. Rommel Placente

Previous article49 nawawala sa Davao de Oro landslide – OCD Davao
Next articleEconomic cooperation sa SoKor winakasan na ng N. Korea – KCNA